38 dating rebelde binigyan ng pangkabuhayan

CALAUAG, Quezon, Philippines — Pinangunahan ng DSWD Field Office 4-A CALABARZON ang paggagawad ng Livelihood Settlement Grant na nagkakahalaga ng P760,000.00 sa 38 da­ting Milisyang Bayan na nagbalik loob sa pamahalaan kamakalawa.

Isinagawa sa Camp Alfredo M Santos, Himpilan ng 201st Infantry Brigade, 2ID, PA, Brgy Rizal Ilaya,Calauag, Quezon.

Taos puso naman ang naging pasasalamat ng lahat ng mga nagbalik loob lalot higit ng 25 na surrenderee ng 85th Infantry Battallion, 2ID, PA.    

Sinabi nila na mala­king tulong ito sa kanilang pagsisimula ng pagbabagong buhay.

Ayon sa pamunuan ng 85IB, PA, nananati­ling bukas ang kanilang himpilan para sa lahat ng mga aktibong kasapi ng NPA upang silay tulungang magbagong buhay, makapamuhay ng malaya kasama ang pamilya na malayo sa pangamba.

Show comments