^

Probinsiya

Mga biktima ng baha sa Cebu, inayudahan ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inayudahan ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Field Office-7 (Central Visayas) ang mga concerned localities sa Cebu para sa profiling at assessment ng mga residenteng nawalan ng tirahan matapos na maapektuhan ang mga ito ng pagbaha dulot ng easterlies.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group at Spokesperson Irene Dumlao may naitalang 37 pamilya o 135 indibidwal ang ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa eva­cuation center sa Liloan Central School.

Nagtungo na rin ang DSWD Field Office team sa mga munisipalidad ng Carmen at Catmon upang tignan at i-assess ang mga residenteng apektado ng mga pag-ulan sa nasabing lalawigan.

“We assure affected local government units (LGUs) that the DSWD has enough supplies for augmentation. The Visayas Disaster Resource Center (VDRC) has 60,636 family food packs (FFPs), while the DSWD Field Office-7 has 56,158 FFPs which can be delivered to the affected citizens,” sabi pa ni Dumlao.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with