MANILA, Philippines — Niyanig ng 7.1 magnitude na lindol ang mga lugar sa Mindanao, kahapon ng alas-10:13 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay naitala sa may 133 kilometro ng timog kanluran ng Palimbang Sultan Kudarat.
Ayon sa Phivolcs, nasa 772 kilometro ang lalim ng naturang lindol.
Bunsod nito naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity IV sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, Intensity III sa City of Mati, Davao Oriental; Glan, Sarangani, Intensity II sa Maragusan, Davao de Oro; City of Tagum, Davao del Norte; Libungan, at Tulunan, Cotabato ; Kiamba, Maitum, at Malapatan, Saranggani; City of Koronadal, South Cotabato; City of General Santos at Intensity I - sa Davao City,; Tantangan, South Cotabato; Lebak, Sultan Kudarat.
Ayon sa Phivolcs, asahan na ang aftershocks kaugnay nang naganap na lindol.