Babaeng kawani ng DENR, tepok sa kuryente
TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Binawian ng buhay ang isang ginang na empleyado ng Department of Environment and Natural Resources matapos makuryente sa Pinukpok, Kalinga kamakalawa (09 July).
Kinilala ang nasawing biktima na si Gina Asbok, 50, empleyado ng DENR-CENRO ng Pinukpuk, Kalinga at residente ng Hilltop sa Bulanao, Tabuk City.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, aksidente umanong nasagi ng boom barrier na kanilang inaayos ang linya ng kuryente ng Sitio Kapanikiyan Forest Product Monitoring System sa Camalog, Pinukpuk na naging sanhi upang mangisay at mamatay ang biktima.
Agad namag isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.
Inoobserbahan naman sa Kalinga Provincial Hospital ang kasamahan nito na nakilalang si Rogilyn Dumpao, 35, ng Purok 5, Bulanao, Tabuk City matapos magtamo ng sugat dahil sa insidente.
- Latest