^

Probinsiya

Pangkabuhayan, medikal at edukasyon sagot sa problema sa BARMM - Governor Tan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  “Simple lang naman ang kahilingan ng mga taga-BARMM…pangkabuhayan, medikal, at edukasyon ng mga bata para tuluyan nang umusad ang buhay ng mga tao rito.”

Ito ang sinabi ni Sulu Gov. Abdukasur Tan sa isang panayam sa isang local radio sa Mindanao.

Ayon kay Gov. Tan, “siyempre, ‘pag may trabaho o pinagkakakitaan ang isang tao, busy na ito sa kanyang pamilya at hindi na nakakapag-isip ng kung ano-ano pa.”

“Tapos samahan mo pa ng mga libreng gamutan o hospitalization, nababawasan ang problema ng pamilya,” ayon pa sa gobernador na nagpahayag na tatakbo sa susunod na Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) election.

Aniya, “pag nasa eskwelahan ang mga kabataan, malayo na rin sa isipan nila ang mag-rebelde o makibaka sa pamahalaan dahil may mga pangarap na sila na kaya ng abutin through education.”

Lahat daw ng mga ito tulad ng pangkabuhayan, free medical, at mga scho­larship programs ay kakayanin namang ibigay dahil may pondo naman umano ang BARMM na tinatayang aabot sa higit P100 bilyon kada taon.

Hirit pa ni Tan, kukunin na rin sa pondo ng BARMM ang “decommissioning” ng mga armas ng mga rebelde para may magamit sila sa pagbabagong buhay.

“Napabayaan lang kasi itong lugar namin for a while kaya nagrebelde ang ilan sa mga kababayan namin,” paliwanag ni Tan.  “Pero with all the help from the national government now, sino pa ba ang mag-iisip ng kaguluhan? We also want peace,” dagdag nito.

vuukle comment

BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with