^

Probinsiya

Big-time pusher timbog sa P2.7- milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NABUA, Camarines Sur, Philippines — Arestado ang isang big-time drug pusher na nasa  drug watchlist ng pulisya matapos makuhanan ng P2.7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Zone-5, Brgy. San Esteban, Nabua, Camarines Sur kamakalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Allan Niar Prades, 33-anyos, residente ng Brgy. Sta. Cruz.

Sa ulat, alas-5:25 ng umaga katuwang ang Camarines Sur Provincial Drug Enforcement Unit, inilatag ng mga tauhan ng Nabua Police sa pangu­nguna ni chief of police Lt. Col. Jan King Calipay ang buy-bust operation laban kay Prades.

Agad inaresto si Prades ng mga operatiba makaraang iabot nito sa poseur buyer ang bini­ling droga na umaabot sa timbang na 50-gramo at may street value na P340,000. Nang rekisahin ang dalang sling bag ng suspek ay natagpuan ang pito pang plastic sachet ng shabu na tumitimbang sa 350 gramo at nagkakahalaga ng P2,380,000.

Nakumpiska sa suspek ang kabuuang P2.72 milyong halaga ng droga, boodle money na ginamit sa buy-bust at cellphone na gamit sa ilegal na transaksyon.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with