^

Probinsiya

Bahay ng negosyante niransak, P1.5 milyong tangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines —  Aabot sa mahigit kumulang sa P1.5 milyong pera at mga alahas ang natangay ng isang lalaking magnanakaw matapos nitong ransakin ang bahay ng isang negosyante sa Nuvali, Brgy. Canlubang Calamba City, Laguna, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, alas-3 ng hapon nang madiskubre na nabiktima ng “akyat bahay” ang negosyanteng si alyas “Willie”, residente sa Nuvali.

Sa pagsisiyasat ng pulisya at sa salaysay ng kasama sa bahay ng biktima na si alyas “Lenie”, hindi umano nito nai-lock ang back screen door ng bahay bago ito umalis at posibleng dito dumaan ang suspek.

Sa ikalawang palapag ng bahay ay kalat-kalat ang mga gamit dito, at ang Master’s bedroom ay sinira ang pinto kung saan nakatabi ang mga pera, alahas at iba pang bagay ng biktima.

Natangay ng suspek ang isang submariner Rolex ng biktima na nagkakahalaga ng P500,000, isang Tag Heuer awua racer na nagkakahalaga ng P200,000, dalawang 24k gold bracelet na nasa P160,000,  isang Swarovski na kuwintas na may halagang P10,000, isa pang 18K na kuwintas na may halagang P50,000,

isang necklace chain 24k na nasa P24,000, iba’t ibang hikaw na P8,000 ang halaga at P500,000 cash.

Isang alyas “Jhaypee” ang itinuturong suspek sa insidente at kasalukuyan nang isinailalim sa follow-up opera­tion.

vuukle comment

NUVALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with