MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang 350 reams ng mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P280,000 sa Guinsiliban, Camiguin, kamakailan.
Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Warrant of Seizure and Detention, sinamsam ng BOC – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO).
Kinumpiska din sa nasabing operasyon ang isang Wing Van Truck na ginagamit sa pagbibiyahe ng mga smuggled na sigarilyo.
Sa kasalukuyan, may kabuuang P25,775,440 na ang halaga ng illegal smuggled na sigarilyo sa Northern Mindanao na nasabat ng BOC katuwang ang Philippine National Police (PNP).