Kawani ng MDRRMO itinumba, 2 suspek timbog

Kinilala ni Maj. Mark Anthony Tiongson, hepe ng Obando police, ang biktima na si Paul Mene­ses habang ang mga suspek ay natukoy na sina Lemuel Capistrano, ang gunman, at ang kasabwat nitong si Nomer Barliso.
STAR/File

OBANDO, Bulacan - Isang 30-anyos na lalaki ang binaril sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw ng umano’y karibal nito sa isang babae.

Kinilala ni Maj. Mark Anthony Tiongson, hepe ng Obando police, ang biktima na si Paul Mene­ses habang ang mga suspek ay natukoy na sina Lemuel Capistrano, ang gunman, at ang kasabwat nitong si Nomer Barliso.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na si Meneses, isang staff ng municipal disaster risk reduction management office (MDRRMO) ng Obando, ay kumakain sa canteen sa kahabaan ng M. Jacinto Steeet, Barangay Paco sa nasabing bayan dakong alas-2:30 ng madaling araw nang biglang dumating ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at biglang binaril ni Capistrano si Meneses ng ilang beses na agad ikinamatay ng biktima.

Matapos matanggap ang ulat, naglunsad ng hot-pursuit operation ang lokal na pulisya sa pakikipag-ugnayan sa Northern Police District at naaresto ang mga suspek sa Caloocan City.

Show comments