Magdyowang ‘most wanted’ sa kasong murder, timbog

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

GENERAL NAKAR, Quezon, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang mag-live in partner na dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at kapwa itinuturing na panglima sa most wan­ted person (MWP) sa CALABARZON Region matapos na maaresto sa kanilang bahay sa Barangay Can away sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Sa bisa ng inilabas na warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Raymund Joseph Morales Sorongon, ng Regional Trial Court 4th Judicial Region, Branch 65 sa Infanta, Quezon, kapwa inaresto sa kasong murder sina alyas Jay-R, alias Ka Darwin, 30 at alyas Ka Patsy, 26, mga dating miyembro ng Platun Jilian KLG, Narciso SRMA 4A.

Nanguna sa pag-aresto sa mag-live in dakong alas-5:30 ng hapon ang Joint Personnel ng General Nakar MPS sa pamumuno ni PMaj.Ed Richard Pacana, warrant /intel operatives, Quezon PIU, 4TH Platoon 1st Quezon PMFC, 405th Company RMFB4A, at Parañaque City Police Station.

Show comments