3 Chinese huli ng PDEA sa P3.4 milyong shabu

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa tatlong Chinese sa isinagawang buy-bust oeprations sa Angeles city kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Bin Da, 23; Hei Xiao, 21 at Gua Xiao, 20 pawang nanunuluyan sa Shanghai Bldg., Brgy. Balibago, Angeles City.

Batay sa report  ng PDEA Region 3 kay PDEA Director Gene­ral Moro Virgilio Lazo, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad kaya agad nagsagawa ng beripikasyon.

Subalit naging mai­ngat ang mga suspek kaya tumagal ng isang buwan ang surveillance hanggang sa maikasa ang  buy-bust operations. 

Paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell drugs) ng RA 9165 na isang non-bailable offense ang isasampa laban sa mga naares­tong suspek.

Show comments