4 baybayin sa bansa, may red tide — BFAR

MANILA, Philippines — Mataas pa rin sa lason ng red tide ang apat na baybayin sa bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon.

Sa inilabas na advisory ng BFAR, umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) na nasa shellfish doon tulad ng tahong, talaba at halaan.

Bunga nito,  pinag-iingat ng BFAR ang publiko sa pagkain ng shellfish mula sa apat na baybayin dahil mapa­nganib ito sa kalusugan ng tao.

Ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta huhugasang mabuti bago lutuin at kainin, dagdag ng BFAR.

Show comments