^

Probinsiya

Motorsiklo inararo ng SUV: Mag dyowa patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo inararo ng SUV: Mag dyowa patay
Kapwa nalasog ang mga biktima na kinilalang sina Danilo Barbuco, 26 anyos, welder at ang kinakasama nitong si Daisy Duaso , 30 anyos kapwa residente  ng Zone 4 Sitio Rolling Hills Brgy. F. De Castro, GMA, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang driver at live-in partner nitong babae makaraang araruhin ng isang SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo at nagulungan pa ang dalawa  habang bumabagtas sa kahabaan ng Congressional Road Barangay, Poblacion 1, GMA, dito sa lalawigan, kamakalawa ng hapon.

Kapwa nalasog ang mga biktima na kinilalang sina Danilo Barbuco, 26 anyos, welder at ang kinakasama nitong si Daisy Duaso , 30 anyos kapwa residente  ng Zone 4 Sitio Rolling Hills Brgy. F. De Castro, GMA, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas 3:46 ng hapon, nang maganap ang insidente habang sakay ang mag-live in partner ng kanilang Rusi motorcycle na for registration plate at bumabagtas sa nasabing lugar. Nang papasok na sila ng Congressional Road, nag-signal ito na liliko pakaliwa subalit dito na biglang parating ang Mitsubishi Montero Sport, na may plate number PQC 529 na minamaneho ni alyas JP, 51 anyos , may asawa hanggang sa sila ay maararo.

Pagtilapon ng mga biktima ay nagulungan pa sila ng nasabing SUV.

Sa tindi ng pinsalang inabot ng mag-partner, hindi na sila naisalba pa sa pagamutan.

Nasa kustodiya na ng GMA Police ang driver ng SUV na nahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with