^

Probinsiya

`Peryodista’ aktibo tuwing eleksyon, itinumba!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
`Peryodista� aktibo tuwing eleksyon, itinumba!
Sa inisyal na pahayag nitong Sabado ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, agad na namatay sa mga tama ng bala ang biktima na kinilalang si Manuel Suansing Malinao nang lapitan at pagbabarilin ng isang salarin mismo sa kanilang bakuran sa Purok Sta. Cruz sa Silway sa Barangay East sa General Santos City.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines —  Patay ang isang kilalang “occasional journalist” na aktibo diumano sa pagsuporta ng mga piling political parties tuwing may halalan sa bansa, nang pagbabarilin nitong umaga ng Sabado sa Barangay West, General Santos City.

Sa inisyal na pahayag nitong Sabado ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, agad na namatay sa mga tama ng bala ang biktima na kinilalang si Manuel Suansing Malinao nang lapitan at pagbabarilin ng isang salarin mismo sa kanilang bakuran sa Purok Sta. Cruz sa Silway sa Barangay East sa General Santos City.

Mabilis na nakatakas ang pumatay kay Malinao, na hindi naman itinuturing ng maraming mga reporters sa General Santos City at mga karatig na probinsya na talagang ganap na miyembro ng tinatawag na “mainstream media” dahil diumano sa aktibo lang ito sa pagsusulat bilang propagandista ng mga political parties tuwing may halalan.

Kilala rin diumano si Malinao sa naging partisipasyon nito sa pagbuo ng mga kasong graft laban sa ilang mga pulitiko sa General Santos City at South Cotabato, kabilang sa kanila ang dating mayor ng naturang lungsod na si Pedro Acharon, Jr.

Nasentensyahan ng Sandiganbayan sa naturang graft case si Acharon na nagsanhi rin ng kanyang perpetual disqualification sa anumang posisyon sa pamahalaan.

vuukle comment

WEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with