^

Probinsiya

Nakagapos na bangkay, itinapon sa highway

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na  pinaniniwalaang  biktima ng summary exe­cution ang natagpuan sa  highway ng Sariaya, Quezon kama­kalawa ng  gabi.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, tinatayang nasa 35-45 anyos ang  patay na lalaki na nadiskubre sa gilid ng Eco-Tourism road sa Brgy. Castañas dakong alas-9 ng gabi nitong Biyernes.

Bukod sa gapos sa mga kamay  gamit ang nylon chord at may mga tama ng bala ng baril sa likod ang biktima.

Sa pahayag ng mga residente, hindi taga roon ang biktima at hinihina­lang pinatay ito sa ibang lugar at itinapon lamang doon ang bangkay.

Ang nasabing lugar na malapit sa boundary ng Sariaya, Quezon at Lucena City ay nagiging paboritong tapunan ng mga nagiging biktima ng summary execution ng mga hindi natutukoy na mga salarin.

vuukle comment

POLICE PROVINCIAL OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with