^

Probinsiya

Dayong ‘tulak’, babae huli sa P.54 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Mahigit sa kalahating milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang dayong lalaki na tulak umano ng droga at sa kasabwat nitong babae sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Manacnac, sa lungsod ng Palayan ng lalawigang ito, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Palayan City Police, kanilang inaresto ang isang 45-anyos na lalaki, binata ng Barangay Comillas, La Paz, Tarlac, at ang 35-anyos na babae ng Barangay South Poblacion, Gabaldon, NE, matapos na mabilhan ang dalawa ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ng police agent na poseur buyer, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ng Sabado.

Nang kapkapan umano ang dalawang suspek ay nakuhanan sila ng tatlong piraso ng knot tied transparent plastic ng hinihinalang shabu at 3-heat sealed transparent plastic sachet na may laman din umanong shabu na agad kinumpiska ng pulisya.

Nasa humigit-kumulang sa 80 gramo na may standard drug price na P544,000 ang nasamsam ng awtoridad sa dalawang suspek. Nakumpiska rin ang 2-unit ng Android cellphone, isang black sling bag at isang black Yamaha Nmax motorcycle na may plate number 682 CJR.

vuukle comment

PALAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with