^

Probinsiya

Mister natapilok, tepok sa kuryete

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Mamamakyaw lang ng mais

LIBMANAN, Camarines Sur, Philippines —  Nauwi sa trahedya ang paglalakad ng isang mag-asawang mamamakyaw lang sana ng mais na pambenta nila nang matapilok ang mister at nangisay matapos makur­yente sa nakalaylay na kable ng kuryente sa Purok-6, Brgy. Awayan, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Agarang nasawi dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng tumulay sa katawan ng biktima na itinago sa pangalang “Andy”, 54-anyos, vendor, residente ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga naglalakad ang biktima at misis nito sa barangay road ng naturang lugar para mamili ng ibebentang mais sa mga magsasaka nang matapilok at natumba.

Gayunman, sa kamalasan ay biglang napasubsob ang mister sa gilid ng kalsada nang matapilok kung saan naman may nakalaylay na kable ng kuryente ng Casureco dahilan para agad siyang mangisay.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga residente ang biktima pero patay na nang kanilang abutan sa lugar.

vuukle comment

CAMARINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with