MANILA, Philippines — Nagdulot ng tensiyon ang pagliyab ng charger ng laptop sanhi upang muntik nang masunog ang Dumaguete Airport sa Dumaguete City kamakalawa ng gabi.
Batay sa report, dakong alas-8 ng gabi nang biglang umapoy ang charger ng isang pasahero na nasa departure bay ng nasabing airport.
Nakasaksak ang depektibong charger ng laptop sa power outlet habang naghihintay sa flight ng kanyang pag-alis ang pasahero.
Agad namang naapula ang sunog dakong alas- 8:25 ng gabi matapos na gamitan ng fire extinguisher.
Payo ng CAAP sa publiko, suriing mabuti ang mga gadgets at charger bago gamitin para na rin sa kaligtasan.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.