2 bangkay natagpuan sa bangin

SANGAY, Camarines Sur, Philippines — Dalawang bangkay ng lalaki ang nadiskubre sa tabi ng bangin sa Sitio Rawis, Brgy. Patitinan, Sangay, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang bangkay na pinaniniwalaang mga biktima ng salvage.

Kapwa nakabalot ng kumot ang mga biktima na natatakpan ng mga damo sa ilalim ng mga kahoy nang matagpuan sa tabi ng bangin sa naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga, nagulat ang isang 13-anyos na batang lalaki nang makita ang bangkay ng dalawang lalaki sa masukal na lugar na nakabalot sa puting kumot sa tabi ng bangin. Agad naman itong ipinagbigay-alam ng mga barangay officials sa mga pulis na mabilis rumesponde sa lugar.

Show comments