Pedicab sinuwag ng kotse ng lasing na driver: Mangangalakal tepok

MAGARAO, Camarines, Philippines — Nagkala­sug-lasog ang katawan ng isang 59-anyos na mangangalakal matapos salpukin ang kanyang “pedicab” ng rumaragasang kotse sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Sto. Tomas, Magarao, Camarines Sur ka­makalawa ng madaling araw.

Nasawi noon din dahil sa matinding mga sugat na tinamo ng katawan habang naputol pa ang kanang binti dahil sa lakas ng pagkakabangga ang biktima na kinilalang si Leonardo Catipon, taga-Bombon.

Nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang 19-anyos na driver ng nakabanggang kotse na lasing pa umano nang maaresto.

Sa ulat, alas-3 ng madaling araw pauwi na ang biktima sakay ng kanyang pedicab nang salpukin ng Mitsubishi Mirage.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagkayupi-yupi ang pedicab at duguang tumalsik ang biktima sa sementadong kalsada na agarang nasawi habang nawasak din ang unahan at ang windshield ng kotse.

Lumalabas na lasing umano ang driver ng kotse at madilim pa sa lugar na kaya posibleng hindi nito nakita ang biktima.

Show comments