^

Probinsiya

Flights sa Tawi-Tawi dagdagan para mapalakas ang turismo - Tolentino

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakikita ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang malaking potensyal ng turismo sa Tawi-Tawi kaya nangako siyang susuportahan ang mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan nito na hikayatin ang mga turista na dayuhin at tingnan ang mga maiaalok ng probinsya.

“We need to improve and increase the number of flights to Tawi-Tawi because many people are curious, and would like to visit your pro­vince,” sabi ni Tolentino kay Governor Yshmael Sali sa pang-umagang programa sa radyo ng senador na “Usapang Tol”.

Kasabay nito, nanawagan ang senador sa publiko na isama ang Tawi-Tawi bilang kanilang susunod na vacation destination.

Ipinagmalaki at pinuri ni Tolentino ang magagandang white sand beach na inilarawan niyang maihahalintulad sa Boracay Island.

“Kahanga-hanga ang turismo roon. Napakaganda ng Tawi-Tawi. Kapag nakita mo ang mga dalampasigan doon, mas pino pa ang buhangin kaysa sa Boracay. Nakikita ko ang malaking potensyal doon,” dagdag ng senador na may malawak na karanasan sa pagbuo ng lokal na turismo bilang dating alkalde ng Tagaytay City.

Sa panayam, binigyang-diin ni Gov. Sali ang mayamang pamanang kultura ng kanyang lalawigan, masaganang yamang dagat, at magagandang lugar. Aniya, ang bawat isa sa 11 munisipalidad ng Tawi-Tawi ay nag-aalok ng natatanging karanasan para sa mga bisita.

Kilala bilang “Seaweeds Capital of the Philippines”, ang Tawi-Tawi ay tahanan din ng Sheikh Karimul Makhdum Mosque na matatagpuan sa Brgy. Tubig Inda­ngan, Simunul, Tawi-Tawi, ang pinakamatandang mosque sa Pilipinas at Southeast Asia.

Tiniyak ni Sali sa publiko na ang Tawi-Tawi ay isang ligtas at mapayapang destinasyon.

vuukle comment

FLIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with