^

Probinsiya

Anak na PWD nasaktan sa sumugod na kabarangay, tatay pumatay!

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Umiral ang pagka-tatay ng isang 37-anyos na mister matapos mapatay nito ang isang kabarangay na nanugod sa kanyang bahay at nanakit sa kanyang babaeng anak na PWD (person with disability), kamakalawa sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala lang ng  pulisya ang nasa­wing biktima sa alyas na “Butoy”, residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City habang agad naaresto ang amang suspek na si alyas Jessie, 37-anyos, construction worker at residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City.

Sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, alas-4 ng mada­ling araw nang biglang sumugod si alyas Butoy sa tahanan ni Jessie at tinadyakan nito ang pintuan ng bahay at tinamaan ang anak na babae na isang PWD kaya nasaktan.

Bunsod nito, agad na hinataw ni Jessie sa ulo si Butoy ng mesang kahoy saka iginapos nito ang huli upang hindi umano makatakbo at itinawag sa kanilang barangay para rumesponde.

Lumalabas na nagtamo ng sugat ang anak ni Jessie na ikinagalit nito kung kaya doon nagpambuno ang dalawa at nauwi sa suntukan hanggang sa madampot ng suspek ang kanilang lamesang kahoy at pinag­hahataw sa ulo ng biktima na duguang nawalan ng malay.

Upang hindi makawala at makatakas, iginapos ng mister ang duguang suspek. Nang dumating ang responde, itinakbo sa pagamutan ang walang malay na biktima su­balit idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor dahil sa matin­ding pagkakahataw ng matigas na bagay sa ulo.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with