^

Probinsiya

Magsasaka, sinasakyang kabayo kisay sa nakalaylay na wire

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay ang isang magsasakang etnikong Teduray at ang kanyang kabayong sinasakyan nang kanilang masagi ang isang high tension power cable na napabayaang nakalaylay mula sa isang poste sa South Upi, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Linggo, June 16, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga Teduray tri­bal leaders at ng pulisya, nalagutan ng hininga ang biktima na kinilalang si Ro­nald Cornelio, kasunod ng ilang segundong pagkikisay nito at ng kanyang kabayo nang kanilang masagi ang po­wer cable mula sa isang poste sa isang liblib na lugar sa Guila-Guila sa South Upi.

Sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, idineklarang dead-on-arrival si Cornelio ng mga doktor sa isang pagamutan sa South Upi kung saan siya isinugod ng mga kakilala at barangay officials.

Ayon sa mga kasapi ng South Upi Municipal Police, pauwi na sa Ranao Badak si Cornelio, sakay ng kanyang kabayo nang maganap ang insidente sa isang madilim na bahagi ng Guila-Guila.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with