^

Probinsiya

Trike galing outing salpok sa truck: 6 patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Trike galing outing salpok sa truck: 6 patay!
Wasak na wasak ang tricycle na sinalpok ng isang 6-wheeler truck na ikinasawi ng anim sa 10 sakay nito habang apat pa ang sugatan kabilang ang apat na bata sa road mishap sa Makar-Siguel Highway, Brgy. Tambler, General Santos City nitong Linggo.
John Unson

10 sakay nagsiksikan, 4 pa sugatan

COTABATO CITY, Philippines — Anim ang patay kabilang ang tatlong bata habang apat pang menor-de-edad ang sugatan nang magsalpukan ang isang tricycle na galing sa family outing sa isang beach resort, at isang six-wheeler truck sa Barangay Tambler, Gene­ral Santos City nitong hapon ng Linggo, June 16, 2024.

Sa hiwalay na mga ulat nitong Lunes ng General Santos City Police Office at ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, dead-on-the-spot sanhi ng aksidente ang 1-taong gulang na sanggol na si Lathicia Jane Enan at sina Jeremy Michael Culanan, 11-anyos, Rosilene Bigtasin Pajaro, 28-anyos, Marivic Enan, 28-anyos, at ang driver ng tricycle na kanilang sinakyan na si Jay Cañedo, 32-anyos.

May isa pang biktima, ang 6-taong gulang na si Zowie Natalie Cañedo, ang pumanaw sa pagamutan kung saan siya isinugod upang malapatan sana ng lunas.

Ang apat pang sakay ng tricycle na nagtamo ng mga sugat at mga pasa sa katawan ay sina Sphyc Raven, 13-anyos; Kristen Joy , 7-anyos; Chriespiar, 8-anyos, at Mary Rose, 12-anyos, na ginagamot na sa isang hospital.

Ayon sa mga imbestigador ng General Santos CPO, pilit na nagsiksikan sa nasabing tricycle ang 10 biktima, na galing diumano sa isang beach resort, nang masapol sila ng isang Isuzu 6-wheeler truck na nakasalubong sa isang bahagi ng Makar-Siguel Highway sa Purok Cabu, Barangay Tambler ng nasabing lungsod.

May teorya ang mga imbestigador kabilang sina Chief Master Sgt. Ronald Bautista at Senior Master Sgt. Limuel Aves, na posib­leng nasa impluwensya ng alak si Cañedo kaya siya nawalan ng kontrol sa minamaneho nitong tricycle, na napunta sa kabilang lane o parte ng highway at nabundol ng kasalubong na truck na may lulan ding ilang tao. 

Nagawi sa gilid ng highway at bumangga sa steel railing ang truck sanhi ng pag-iwas sana ng driver sa kasalubong na tricycle na una nang nabundol nito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with