^

Probinsiya

Mag-ina tepok sa bangga ng dump truck

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina tepok sa bangga ng dump truck
Hindi na umabot ng buhay sa Castro Medical hospital sa Baliwag City ang mag-inang sina Rosemarie de Leon, 24-anyos at Princess, 7-anyos, dahil sa matinding pagkakabagok ng kanilang ulo nang mahagip sila ng nasabing dump truck, habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pang anak nito na si Angel, 2-anyos, pawang residente ng Sitio Gulod, Brgy. Niugan, Angat, Bulacan.
STAR/File

2-anyos na anak kritikal

ANGAT, Bulacan, Philippines — Patay ang isang mag-ina habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang 2-taong gulang na anak nang aksidenteng masagi sa tagiliran ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang 10-wheeler dump truck kahapon ng umaga sa Gen. Alejo Santos Highway, Brgy. Niyugan ng bayang ito.

Hindi na umabot ng buhay sa Castro Medical hospital sa Baliwag City ang mag-inang sina Rosemarie de Leon, 24-anyos at Princess, 7-anyos, dahil sa matinding pagkakabagok ng kanilang ulo nang mahagip sila ng nasabing dump truck, habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pang anak nito na si Angel, 2-anyos, pawang residente ng Sitio Gulod, Brgy. Niugan, Angat, Bulacan.

Ang drayber naman ng Howo Dump Truck na may plakang ASA 9255 na naki­lalang si Paulino de Leon, 45 anyos at residente ng Payumo st. Brgy. Bangkal, Norzagaray, Bulacan ay kusang loob na sumuko sa mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang binabagtas ng dump truck at sinasakyang Rusi motorcycle ng tatlong biktima ang kahabaan ng nasabing highway dakong alas-9:30 ng umaga, nang mag overtake ang nasabing truck sa sinasakyang motorsiklo ng mga biktima at sa ‘di sinasadyang pangyayari nahagip ng truck ang motorsiklo na naging sanhi upang bumaligtad ang motorsiklo at tumilapon ang mga biktima sa road pavement at tumama ang mga katawan at ulo ng mga ito sa matigas na kalsada.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and physical injury ang drayber ng nasabing dump truck.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with