Rider na kasali sa motorcycle competition salpok sa van, dedo
MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider na kasali sa kompetisyon ang namatay matapos na sumalpok sa kasalubong na van kahapon ng umaga sa lalawigan ng Quezon.
Namatay habang dinadala sa ospital ang biktimang si “Kim” na residente ng Del Gallego, Camarines Sur at kalahok sa “1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge” sa Guinayangan, Quezon.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Agdangan Municipal Police, naganap ang aksidente dakong alas-8:30 kahapon ng umaga sa highway na sakop ng Brgy. Salvacion, Agdangan, Quezon.
Sinasabing pabalik na ang rider sa lugar ng kompetisyon nang mag-overshoot sa kabilang linya at nasalpok ang Hi Ace commuter van na minamaneho ng isang alyas “Jayson”, 27 anyos.
Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang motorsiklo ng biktima.
- Latest