Binata kinatay ng kalugar sa inuman

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay agad dahil sa malalim na mga sugat ang isang 29-anyos na binata matapos pagsasaksakin ng kanyang kaalitang ka-barangay sa Brgy. Maslog, Legazpi City, Albay kama­kalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa pinakamalapit na pagamutan pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Jeric Boche, residente ng Sitio Pangulo na ang suspek ay kinilalang si Jerome Romero, 29-anyos. 

Sa ulat, habang nakikipag-inuman ang biktima sa tabi ng cove­red court ng barangay nang lapitan ng suspek na matagal na niyang kaalitan.

Walang kaabug-abog na pinagsasaksak ng suspek ang biktima na duguang humandusay sa harap ng mga kainuman.

Show comments