Pagaadian LGU employee, utas sa ambush
COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang etnikong Sama na empleyado ng Pagadian City Tourism Office matapos na tambangan at pagbabarilin ng armadong grupo kasama ang isang nakaalitang katribo, habang papauwi ang biktima sa Barangay San Pedro ng nasabing lungsod nitong Sabado.
Sa inisyal na ulat ng Pagadian City Police Office, naglalakad sa footbridge pauwi na sa kanilang tahanan mula sa Pagadian City Hall ang 44-anyos na si Caloy Tanta Andal, sa Purok Kabingaan, isang seaside area sa Barangay San Pedro, nang paputukan ng apat na beses ng isa sa apat na lalaking nakaabang sa kanya.
Ayon sa mga kapitbahay na nakasaksi sa insidente, sa kanyang mga kasama sa Pagadian City local government unit at mga imbestigador ng Pagadian CPO, isang matagal nang kagalit ni Andal, ang kapwa niya Sama na kilala sa alias “Sahibil”, ang pumatay sa kanya na mabilis na nakatakas sakay ng isang pumpboat kasama ang mga kasabwat.
Ayon sa pulisya at mga barangay officials ng Brgy. San Pedro, na may 70 porsyento ng mga residente ay mga katutubong Sama at Tausug, nagkasagutan sa isang barangay case settlement meeting nito lang nakalipas na buwan sina Andal at Sahibil dahil sa pagkampi at magulong mga diskurso ng huli hinggil sa mga reklamo laban sa kanyang kamag-anak na naatasang dumalo sa naturang dayalogo. .
- Latest