^

Probinsiya

MILF leader may P1.3 milyong patong sa ulo, timbog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
MILF leader may P1.3 milyong  patong sa ulo, timbog
Kinumpirma nitong Linggo ni Brig Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nakakulong na ang matagal ng wanted na si Jovy Sanguila na may kinakaharap na mga kaso sa ibat-ibang korte kaugnay ng kanyang pagkakasangkot diumano sa pag-atake sa mga bayan ng Kolambugan at Kauswagan sa Lanao del Norte noong August 18, 2002.
STAR/ File

COTABATO CITY , Philippines — Nasukol ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection (CIDG) sa Barangay Tuca, Marawi City nitong Sabado ang isang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na wanted sa iba’t ibang kasong criminal  at may P1.3 milyong patong sa ulo.

Kinumpirma nitong Linggo ni Brig Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nakakulong na ang matagal ng wanted na si Jovy Sanguila na may kinakaharap na mga kaso sa ibat-ibang korte kaugnay ng kanyang pagkakasangkot diumano sa pag-atake sa mga bayan ng Kolambugan at Kauswagan sa Lanao del Norte noong August 18, 2002.

Ang naturang insidente ay nag-resulta sa pagkamatay ng 23 katao, kabilang sa kanila sina Lt. Col Angelo Benitez ng 102nd Infantry Brigade at Police Patrolman Dexter Salvacion, at pagkasunog ng ilang bahay sa nabanggit na mga bayan.

Ayon kay Tanggawohn, natunton si Sanguila sa Barangay Tuca, Marawi City ng mga CIDG-BAR operatives na pinamumunuan ni regional chief Lt. Col. Ariel Huesca, katuwang ang mga operatiba ng iba’t ibang unit ng PRO-BAR, sa tulong ng mga impormante at mga local government officials ng Lanao del Sur at Marawi City.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with