^

Probinsiya

100 pabahay kaloob ng NHA sa tribong Subanen

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagkalooban ng National Housing Authority (NHA) ng 100 Pabahay ang tribong Subanen sa Lison Valley Tribal Village, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ayon kay NHA Gene­ral Manager Joeben A. Tai  ang naturang Pabahay ay may komportableng espasyo na binubuo ng 20-square-meter floor area at 80-square-meter lot, kabilang ang indibidwal na septic tank.

Binigyang diin ni GM Tai na sa pamamagitan ng Pabahay ay mapapaganda ang estado ng pamumuhay ng mga Suba­nen bukod sa mapa­natili pa rin ang paniniwala, kultura at tradisyon ng tribo sa kanilang mga bagong tahanan.

Ang naturang pabahay ay nasa loob ng ancestral domain ng tribo.

Ayon kay GM Tai, ang inisyatibang ito ay bahagi ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP) ng ahensya.

Sa pamamagitan ng HAPIP, nakikipagkoordinasyon ang NHA sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at mga lokal na pamahalaan para matulungan ang mga katutubong komunidad.

Ang programang ito ay umaayon sa Republic Act 8731, o ang Indigenous Peoples Rights Act of 1997, na sinisiguro ang mga karapatan ng mga katutubong Pilipino.

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with