Huwag tantanan ang pagsalakay sa POGOs
Mukhang mahihirapan na ang law enforcers na pasukin ang POGO hubs kung totoo ang natuklasan ni Senator Sherwin Gatchalian may mga nagpuprotektang matataas na opisyal ng PNP, pulitiko at iba pang government officials.
Isang halimbawa ay ang ginawang pagsalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa POGO hub sa Porac, Pampanga, kamakalawa kung saan sinabi ni PAOCC Spokesman Winston John Casio na pinigilan sila ng husgado na pasukin ang ilang bahagi ng POGO.
Ayon pa kay Casio, marami pang nakakulong sa mga gusali ng POGO. Itinatago umano ng abductors nito.
Ayon sa report, habang tinatanuran ng PNP-SAF ang gusali, may isang Chinese na nakalabas habang nakaposas. Marami itong pasa sa katawan, nanunuyo ang mga dugo sa damit nito. Hinala ng PAOCC na marami pa ang nakakulong sa loob na nangangailangan ng tulong.
Dapat kastiguhin na ni PBBM ang mga protector ng POGO na nakalista sa report ng law enforcers na isinumete sa Senado. Paigtingin ang operasyon sa POGO hub para malaman ang mga padrino nito. Huwag tantanan ang pagsalakay sa mga POGOs.
Sa kaso naman ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, dapat palalimin pa ang pag-iimbestiga sa kanya. Palagay ko marami siyang inililihim at palagay ko rin hindi siya Pinoy.
- Latest