^

Probinsiya

Hepe ng pulisya sa Bulacan, sinibak!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng pulisya sa Bulacan, sinibak!
Sa ulat, una nang hinagisan ng dalawang granada ang convoy na sinasakyan ni San Miguel Municipal Vice Mayor John “Bong” Alvarez habang patungo sa Sesyon noong Hunyo 3, 2024 dakong alas-12:21 ng hapon.
Edd Gumban/File

Sa bigong ambush sa vice mayor

MALOLOS CITY, Philippines — Sinipa sa puwesto ang chief of police ng San Miguel, Bulacan na si PLt. Col. Avelino Protacio-ll, matapos na umano’y di aksyunan ang tangkang pag-ambush sa isang bise alkalde at kanyang pamilya, dito sa lungsod.

Sa ulat, una nang hinagisan ng dalawang granada ang convoy na sinasakyan ni San Miguel Municipal Vice Mayor John “Bong” Alvarez habang patungo sa Sesyon noong
Hunyo 3, 2024 dakong alas-12:21 ng hapon.

Sinabi ni Vice Mayor Alvarez na kasama niya ang dalawang anak na sina Fatima, John Daniel at apong si Laurence nang hagisan ng dalawang granada ang kanilang sinasakyang Toyota Grandia van na may conduction sticker na P5J-567 at masuwerteng hindi sumabog.

Base sa follow-up report ng mga awtoridad, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang mga suspek sa insidente.
Makikita rin sa CCTV na nakaabang na ang mga salarin mula sa tahanan ng bise alkalde hanggang sa makaalis sila papuntang munisipyo ng San Miguel.

Samantala, pansamantalang itinalagang OIC ng San Miguel Police Station si PMaj. Dela Cruz, habang patuloy ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng tangkang pag-ambush sa pamilya Alvarez.

vuukle comment

AVELINO PROTACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with