Sen. Go, pinasinayaan Super Health Center sa Nueva Vizcaya

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagpapasinaya ng kauna-unahang Super Health Center sa lalawigan ng Nueva Vizcaya

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na ang bagong Super Health Center na nagkakahalaga ng P11.5 million ay magbibigay ng mga pangunahing healthcare services tulad ng birthing, emergency consultations, minor surgical services at mayroon na rin itong sariling pharmacy at ambulansya.

Sinabi ni Go na bukod sa bayan ng Kayapa ay magkakaroon pa ng dalawang Super Health Center sa lalawigan na matatagpuan naman sa mga bayan ng Villaverde at Quezon.

Bukod rito, pinangunahan ni Go kasama si Congresswoman Luisa Banti Cuaresma at iba pang mga lokal na opisyal ang pagpapasinaya sa bagong municipal building ng LGU-Kayapa na nagkakahalaga ng P70 milyon at ang pamimigay ng ayuda sa may 500 beneficiaries ng TUPAD sa nasabing bayan.

Pinasalamatan naman ni Mayor Elizabeth Balasya si Go sa inisyal na P32 milyon na pondo para sa bagong LGU building at bagong Super Health Center.

Ang bayan ng Kayapa na mahigit lamang sa 1-oras ang layo sa Baguio City ang tinaguriang salad bowl at summer capital of Cagayan Valley (Region 2).

Show comments