Kusinero huli sa P35K shabu sa Bulacan

SAN ILDEFONSO, Bulacan , Philippines — Rehas na bakal ang kinahantungan ng binatang kusinero matapos  mahulihan ng P35,360 na halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Maasim, dito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang dayong suspek na si Jayson Magno, 44, cook at residente ng Brgy. Tibagan, Baliwag City.

Sa report ni San Ildefonso Police chief Lt. Col. Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo, naganap ang operasyon bandang 1:20 ng madaling araw sa nasabing barangay.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, inaresto ang suspek at nakumpiska sa kanya ang may 5.2 gramo na hinihinalang shabu na may standard price na P35,360.

Show comments