INFANTA, Quezon, Philippines — Dahil sa pagmamaneho ng lasing, nahulog sa tulay ang isang 29-anyos na binata na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan kamakalawa ng madaling araw ng Barangay Banugao sa bayang ito.
Nabasag ang bungo dahil sa pagbagsak sa mga batuhan ang biktimang si Arjay Penaverde ng Barangay Gumian, Infanta Quezon.
Ayon sa pulisya, galing sa barangay night sa Barangay Agos-agos ang biktima at lasing na mimaneho ang isang Suzuki Raider bandang alas 2:40 ng madaling araw.
Habang binabagtas umano ng biktima ang NIA road ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa kongkretong bahagi ng tulay hanggang tuluyang bumulusok at bumagsak sa batuhang sapa na agaran nitong ikinamatay.