6 katao tinamaan ng kidlat, patay

Sa ulat, pasado alas-3:00 ng hapon nitong Martes sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ay nasa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Planas, Porac ang mag-asawang Noel Ocampo, 57, misis nito na si Marina Ocampo, 53 at ang 14-anyos na anak na si Francis nang gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa kanila.

MANILA, Philippines — Anim na katao kabilang ang tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagtama sa kanila ng kidlat sa Porac,Pampanga at Pulilan, Bulacan, ka­makailan.

Sa ulat, pasado alas-3:00 ng hapon nitong Martes sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ay nasa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Planas, Porac ang mag-asawang Noel Ocampo, 57, misis nito na si Marina Ocampo, 53 at ang 14-anyos na anak na si Francis nang gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa kanila.

Personal namang dumalaw sina Pampanga Governor Dennis Pineda at Mayor Jing Capil ng Porac sa bahay ng mga biktima kung saan magkakasamang nakaburol ang mga ito nitong Miyerkules ng umaga.

Sa bayan ng Pulilan, Bulacan ay kapwa nasawi ang tatlong batang magpipinsan nang tamaan ng kidlat habang nakasilong sa ilalim ng puno, ka­makalawa ng hapon sa Brgy. Inaon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente nitong Miyerkules ay nasa ilalim ng puno ang magpipinsan na sina Rexter Enriquez, Rocsan Enriquez at April Almoradie pawang mga menor-de-edad nang aksidenteng tamaan ng kidlat na kanilang ikinamatay.

Sinasabing da­lawang bata pa na ­medyo malapit sa puno ang tumalsik palayo at bahagyang nasugatan lamang nang tumama ang kidlat.

Payo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na huwag payagang maligo ang mga bata o kahit sino sa ulan lalo na at malakas ang kulog at kidlat.

Show comments