Bangka nasunog sa Cebu: 6 pasahero, dedo

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nangyari ang sunog sa FBCA King Bryan habang sakay ang 12 crew.
File

MANILA, Philippines — Anim ang kumpirmadong nasawi habang anim na iba pa ang nasagip sa nasunog na fishing banca sa katubigang sakop ng Naga, Cebu, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nangyari ang sunog sa FBCA King Bryan habang sakay ang 12 crew.

Sa anim na nakaligats, isa ang kritikal habang nasa maayos na kalagayan ang limang iba pa.

Nakuha ang ilan sa mga nasawi sa ilalim ng mga debris ng fishing banca.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibang detalye na maibahagi ang PCG dahil nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng PCG Sub-Station Naga.

Show comments