^

Probinsiya

Estudyanteng rider utas, angkas sugatan sa van

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

REAL, Quezon, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang baba­eng estud­yante habang malubhang nasugatan ang kanyang backrider na isa ring estudyante matapos mabangga ng kasalubong na van ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa National Road na sakop ng Purok 3, Barangay Llavac sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Revel, 17 at residente ng Barangay Magsaysay, Siniloan, Laguna habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa Pakil, Laguna dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Awen, 16, residente rin ng Siniloan, Laguna.

Base sa imbestigas­yon, bandang alas-9:00 ng umaga ay minaneho ni Revel ang isang Yamaha Smash motorcycle at nakaangkas sa kanya si Awen.

Patungo umano ang mga ito sa town proper ng Real, Quezon nang tumbuking banggain ng Toyota Hi-Ace commu­ter van na patungong Famy, Laguna bound na minamaneho ni Rolando Marasigan, 72 ng Barangay Poblacion Uno, Real, Quezon.

Sa lakas ng pagka­kabangga ay tumilapon ng may ilang metro ang motorsiklong sinasak­yan ng dalawang minor na estudyante na naging sanhi ng grabeng pinsala at pagkamatay ng nagmamanehong si Revel.

Nabatid sa pulisya na nag-overtake sa isang sasakyan ang van at hindi na ito nakaiwas nang tumbukin ang motorsiklo.

Nahaharap sa rek­lamong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injury and damage to property ang tsuper ng van.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with