^

Probinsiya

Ex-BIFF commander, arestado sa iba’t ibang kaso

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY - Inaresto ng mga opera­tiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ang isang dating commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nasangkot sa iba’t ibang mga krimen bago ito sumuko sa militar tatlong taon na ang nakakalipas.

Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, hindi na pumalag ang suspect na si Abunawas Ibad Damiog nang silbihan ng mga warrants of arrest ng mga operatiba ng CIDG-BAR, pinamumunuan ng kanilang regional chief na si Lt. Col. Ariel Huesca, sa isang lugar sa poblacion ng Datu Piang.

Kinumpirma ni Tanggawohn at Huesca na wala pang mga warrants of arrest mula sa iba’t ibang mga korte para sa 65-anyos na si Damiog na kilala noon na Commander Bayawak ng BIFF, ng siya ay sumuko sa 1st Mechanized Brigade noong 2021, matapos siyang masangkot sa iba’t ibang mga krimen.

Kabilang sa mga kinakaharap na kaso ni Damiog, naisampa sa ibat-ibang mga korte sa Central Mindanao, ang multiple murder, arson, at ang kanyang pagkasangkot diumano sa mga madugong pag-atake sa simbahang Katoliko sa Datu Piang at sa police station ng naturang ba­yan kung saan kanilang sinunog ang isang patrol vehicle sa naturang insidente.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with