^

Probinsiya

20-anyos estudyante tepok sa trak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 20-anyos na estudyante matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na trak sa kahabaan ng CM Delos Reyes Avenue, Brgy. Javalera, Gen. Trias City, Cavite, kamaka­lawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si John Oliver, residente ng Brgy. Bolbok, Tuy, Batangas.

Inaresto naman ng pulisya ang driver ng trak na kinilala sa alyas Crisanto, 45, residente ng Balayan, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-7:30 ng umaga ay minamaneho ng biktima ang kaniyang Yamaha Mio na may plate number 2720AT at bumabagtas sa nasabing lugar.

Nasakop ng biktima ang kabilang linya ng kalsada at hindi na nito naiwasan ang papara­ting na Nissan Dropside trak na may plate number na XHM729 kung kaya sumalpok ito sa unahang bahagi ng trak.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at wasak ang motor nito, naitakbo pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with