Tenga ng 10-anyos, pinadugo ng tatay ng kalaro

Ayon sa Umingan Police, nakita sa CCTV ang paglapit ng isang lalaki sa dalawang bata hanggang sa pagsasampalin nito ang biktima nitong Biyernes sa ­Umingan, Pangasinan.
File

MANILA, Philippines — Dumadaing ngayon ng matinding sakit sa ulo ang isang 10-anyos na batang lalaki matapos na dumugo ang tenga nito nang pagsasampalin ng tatay ng kanyang kalaro sa Pangasinan.

Ayon sa Umingan Police, nakita sa CCTV ang paglapit ng isang lalaki sa dalawang bata hanggang sa pagsasampalin nito ang biktima nitong Biyernes sa ­Umingan, Pangasinan.

Dahil sa takot, tumakbo ang isa pang bata na kasama ng biktima.                   

Bago ito, lumilitaw na kalaro ng biktima ang anak ng suspek.                     

Inagaw umano ng biktima ang laruan ng anak ng suspek kaya nagsumbong ito sa huli.

Dito na sinugod ng tatay ng kalaro at pinagsasampal ng matindi ang totoy na nagresulta ng pagdugo ng tenga nito.

Mahaharap ang suspek sa kasong child abuse.

Show comments