^

Probinsiya

Pulis, kelot sugatan sa engkuwentro

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

Sa anti-gambling ops sa Cavite

CAVITE, Philippines —Dalawa ang sugatan kabilang ang isang pulis makaraang mauwi sa barilan ang ikinasang anti-gambling operation sa Brgy. H2, Dasmariñas City, kamakalawa.

Patuloy na inoobserbahan sa De La Salle University Medical Center si PStaff Sgt. Jose Granados, mi­yembro ng Intelligence/Station Drug Enforcement Unit (DEU) ng Dasmariñas City Police matapos na magtamo ng tama ng ­punglo sa tiyan at kanang binti. 

Dinala rin sa Pagamutan ng Dasmariñas ang naarestong suspek na si alyas Mensu, nasa hustong gulang, residente ng Brgy H2 ng nasabing lungsod, matapos tamaan ng bala sa dibdib at ngayo’y guwardyado na ng mga pulis.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:15 ng hapon habang nagsasagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga ­operatiba ng Intel/DEU sa nasabing lugar nang maispatan nila ang suspek na nakatayo sa tabi ng isang bakanteng lote at sa ‘di malamang kadahilanan, agad niyang pinaulanan ng bala ang mga operatiba.

 Dito nasapol ng mga bala si Granados habang masuwerte namang hindi natamaan ang ibang kabaro nito.

Nagkaroon ng ha­bulan na nauwi umano engkuwentro hanggang sa mabaril ang suspek at masukol sa tulong at koordinasyon kay Brgy. Chairman Pundarola Panagandag ng Brgy. Sultan Esmael, Dasmariñas City kung saan siya tumakbo.

GAMBLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with