MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros at nagbuga ng may 5,000 metrong taas ng plume.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.
Dahil dito, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at sa paligid nito.
Pinayuhan nito ang publiko na iwasan ang 4 kilometer radius Permanent Danger Zone.
Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na maaaring bagsakan ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Ang Kanlaon, na kilala rin bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, ay isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas na bundok sa isla ng Negros.
Gayundin ang pinakamataas na tuktok sa Visayas, na may taas na 2,465 metro above sea level.
Ang Mount Kanlaon ay ika-42 sa pinakamataas na peak ng isang isla sa mundo.