^

Probinsiya

Lalaki pinasok, inatado sa harap ng kaanak!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tadtad ng saksak at hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaki na inatado ng saksak ng suspek sa loob ng kanilang bahay kaharap ang dalawa nitong kamag-anak kama­kalawa ng gabi sa Brgy. Kabulusan. Gen Emilio Aguinaldo ng lalawigang ito.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alyas “Vil”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar habang tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na “Juliemar” at tinutugis na ng pulisya.

Sa ulat, alas-9:40 ng gabi kasalukuyang nasa loob ng bahay ang biktima kasama ang mga kamag-anak nito nang biglang pumasok ang suspek na armado ng patalim.

Nang makita ang biktima, agad dinamba ng suspek saka inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan.

Mabilis namang tumulong ang dalawang kamag-anak at pinagtulungang hilahin ang suspek subalit sila naman ang pinagbalingan nito at hinalihaw ng saksak bago mabilis na tumakas.

Nagtamo ng mga mabababaw na sugat ang dalawang kaanak subalit sinawing palad ang biktima.

SAKSAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with