^

Probinsiya

7 na patay kay ‘Aghon’, higit 36K katao apektado

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
7 na patay kay ‘Aghon’, higit 36K katao apektado
Motorists experience gutter-deep flood along the roads of San Juan in Batangas due to the heavy rainfall brought by typhoon Aghon on May 26, 2024
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Pumalo na sa pito katao ang naitalang patay habang nasa 36,143 katao ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon sa CALABARZON, Bicol at Visayas Region, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes.

Sa ipinalabas na update ng OCD, kabilang sa mga nasawi ay isang 7-buwang sanggol na lalaki na nalunod sa Pagbilao at 14-anyos na si John Rey Ortiz de Ramos na nadaganan naman ng nabuwal na punongkahoy sa Lucena City; pawang sa lalawigan ng Quezon.

Ang apat pa sa mga nasawi ay sina Germie Pabulayan Salibio, 56 (nalunod sa bayan ng Mauban); Archie Toria Miguel, 22, (nalunod sa Lucena City); Melbert Cori Senado, 39 (nadaganan ng nabuwal na punong kahoy sa Lucena City) at Marcelino Rias Estolino, 50 (natumbahan ng nabuwal na puno sa bayan ng tiaong, mula rin sa nabanggit na lalawigan.

Isa naman ang iniulat na nasugatan na si Nelia Roldan, 72-anyos taga-Mauban na nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo nang madulas.

Sa report, ang mga biktima ay nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Aghon na kinumpirma ng pulisya at ng lokal na Office of Civil Defense (OCD) sa CALABARZON.

Ang anim na nasawi ay karagdagan sa isang una nang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isang 14 anyos na dalagitang estudyante na nadaganan ng nabuwal na punong kahoy habang lulan ng tricycle sa Balingasag, Misamis Oriental.

Sa report ng NDRRMC, nasa 12,436 pamilya o kabuuang 36,143 katao ang naapektuhan mayorya rito ay mula sa CALABARZON. Ang iba pang mga apektadong residente ay mula naman sa  MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas at National Capital Region.

Samantala, kabuuang 7,249 pamilya o katumbas na 27,097 katao na inilikas at pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation centers ay nasa 5,321 pamilya na lamang o kabuuang 22,040 katao nitong Martes matapos magsiuwian na sa kanilang mga tahanan.

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with