Babae patay sa gulpi ng kapwa bebot

Pinasok sa bahay, CCTV tinakpan

CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang babae matapos pasukin, pagbubugbugin at ibalibag hanggang sa mamatay ng isang hindi kilalang babae na dinig pa sa CCTV sa loob ng bahay ang ginawang krimen kamakalawa ng gabi sa Brgy. Biclatan, Gen. Trias City. 

Wala nang buhay nang madatnan ng kinakasama nito ang biktima na kinilalang si alyas “Rubie”, nasa hustong gulang, residente ng Holiday Homes, Brgy. Biclatan, Gen. Trias City

Nakilala naman ang suspek na itinago sa pangalang “Vanessa” na tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10 ng gabi nang umuwi ang mister galing sa trabaho at nadatnan nito ang kanyang live-in partner na duguang nakahandusay sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya at pag-review sa CCTV footage, nakita rito ang pagpasok ng suspek na si Vanessa sa bahay ng biktima kung saan agad nitong tinungo ang CCTV camera at tinakpan ito.

Dinig na dinig ang pagtatalo ng suspek at biktima hanggang sa pambubugbog at pagbalibag sa biktima na noong una ay nagawa pang sumigaw at humihingi ng tulong hanggang sa hindi na marinig ang boses nito.

Show comments