^

Probinsiya

65 pang kaso inihain sa Ombudsman vs suspendidong mayor ng Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
65 pang kaso inihain sa Ombudsman vs suspendidong mayor ng Cavite
a inihaing mga kaso ni acting Silang Mayor Ted Carranza, nakakalap umano sila ng mas malinaw na ebidensya na nagpapatunay na si suspended Mayor Anarna, at mga kasabwat na miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na pinangungunahan ng kanyang kapatid bilang chairman, ay nangulimbat umano ng mahigit P11 milyon na ginastos para sa pagkain sa mga napag-alamang pekeng okasyon na ginanap noong 2023.
STAR / File

CAVITE , Philippines — Nasa 65 na karagdagang reklamong korapsyon ang inihain sa Office of the Ombudsman laban kay suspended Silang, Ca­vite Mayor Alston Kevin Anarna.

Sa inihaing mga kaso ni acting Silang Mayor Ted Carranza, nakakalap umano sila ng mas malinaw na ebidensya na nagpapatunay na si suspended Mayor Anarna, at mga kasabwat na miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na pinangungunahan ng kanyang kapatid bilang chairman, ay nangulimbat umano ng mahigit P11 milyon na ginastos para sa pagkain sa mga napag-alamang pekeng okasyon na ginanap noong 2023.

Malinaw umano sa mga records na tapos na ang mga okasyong ito nang isagawa ang mga bidding para sa mga pagkain sa nasabing okasyon.

Ayon naman sa pahayag ni Mayor Anarna, tinawag niya itong “political harassment” na walang basehan at giniit na kanyang haharapin ang lahat ng kasong isasampa sa kanya.

Sinabi rin ni Anarna na nag-aambisyong tumakbo si Vice Mayor Carranza bilang alkalde ng Silang sa darating na halalan.

Matatandaan na nasuspinde si Mayor Anarna nitong nakaraang buwam matapos ireklamo at sampahan ng kasong korapsyon kasama ang kapatid nitong Chairman ng BAC.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with