Fetus iniwan sa banyo ng eskwelahan
DARAGA, Albay, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang responsableng nag-iwan ng isang fetus sa pambabaeng banyo ng Daraga Community College sa bayan ng Daraga, Albay, na natagpuan, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa mga medical personnel ng Bicol Regional Hospital and Medical Center, tinatayang nasa 10-week old o higit tatlong buwan pa lang ang fetus at hindi pa malaman kung aksidente o sinadya itong ilaglag ng hindi pa malamang ina at iniwan sa sahig ng palikuran.
Sa ulat, pasado alas-8:00 ng gabi ay nagulat ang isang estudyanteng babae nang pagpasok sa banyo ay bumulaga sa kanya ang fetus sa sahig.
Agad itong ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng paaralan at agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis.
Tinutukoy pa kung sa isang babaing estudyante na buntis ang fetus, o kung mula sa labas ng paaralan ang nag-iwan nito at binitbit ng pusa.
- Latest