MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tatlo ang kumpirmadong nasawi kabilang ang isang 35-anyos na babae sa magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Bocaue at Pandi,kamakalawa at kahapon madaling araw.
Ayon kay PCol. Relly Arnedo, Bulacan police director, binaril ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo ang biktimang si Alona Oliveros, 35,may-asawa,Batia Market Collector at naninirahan sa Bernardo compound, Brgy. Caingin ng dalawang beses sa ulo, alas-2:15 ng hapon matapos na makababa ito sa sinasakyang tricycle sa Brgy. Caingin.
Matapos ang pamamaril, tinangay ng dalawang suspek ang bag ng biktima na sinasabing naglalaman ng mga nasingil nito sa palengke.Pagnanakaw ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.
Sa bayan naman ng Pandi,nasawi ang dalawang construction worker na sina Jairus Lao, 39, tubong Quezon City at naninirahan sa Blk. 29, Lot 3, Padre Pio, Brgy. Cacarong Bata, Pandi, Bulacan, at Khalil Dimaporo, 27, binata ng Blk. 59, Lot 30, Brgy. Padre Pio nang sila ay pagbabarilin, alas-5:10 ng hapon ng apat na suspek na ang isa ay nakilalang si Jayson Bungay habang ang dalawa pa nitong kasama ay nakilala lamang sa alias na Ali at Austria, samantalang wala pang pagkakakilanlan sa isa pang suspek.
Posibleng may kinalaman sa droga ang sanhi ng pamamaril sa mga biktima dahil may nakuhang 5 plastic sachet ng shabu sa bulsa ng biktimang si Jairus habang isang plastic sachet naman ng shabu ang nakuha kay Khalil habang ginagamot sa ospital
3 utas sa pamamaril sa Bulacan
Omar Padilla, Doris Franche-Borja