P1.2 milyong shabu, party drugs nasabat sa mall parking lot

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang big-time na tulak na dumayo pa sa Cavite para magtulak ng droga matapos makuhanan ng P1.2 milyong halaga ng shabu at party drugs sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa open parking lot ng isang mall sa Bacoor City, kamakalawa.

Sa ulat ng PDEA, hindi na nakapalag nang arestuhin ang suspek na tinukoy lang sa alyas na “Haron” , 29-anyos, isang cellphone vendor at  residente ng Brgy Balibago, Angeles City, Pampanga. Siya ay nakatala bilang high value target ng PDEA at pulisya.

Ayon sa report, alas-12:20 ng tanghali nitong Linggo nang ilatag ng PDEA Regional Office IV- RSET 1 at PDEA-Cavite ang buy-bust operation laban sa suspek sa open parking lot ng kilalang mall sa Brgy. Habay 2, Bacoor City.

Isang poseur buyer ang nakipag-deal sa suspek at mula sa Pampanga ay bumaba ito ng Cavite dala ang mga shabu at ecstasy na ibinalot pa nito sa parcel plastic bag ng J&T.

Narekober sa suspek ang mahigit sa 50 gramo ng shabu na aabot sa halagang P345,000 at 503 piraso ng kulay asul na tabletang ecstasy. Aabot sa kabuuang halagang P1.2 milyong piso ang mga nakumpiskang droga sa suspek.

Show comments